--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpakawala ng tubig mula sa Magat Dam kaninang alas-9 ng umaga ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, sinabi niya na ito ay pre-emptive release para mapababa ang water elevation sa reservoir bilang paghahanda sa ulang dala ng Tyhoon bagyong Emong.

Binuksan ang isang metrong opening ng Gate 4 na may tinatayang water discharge na 154 cubic meters per second.

Batay sa kanilang monitoring, nasa 186 meters na ang water elevation ng dam kung saan ang average inflow ng tubig sa maghapon kahapon ay asa 793 cubic meters per second habang ang outflow ay nasa 161 cubic meters per second.

--Ads--

Pinayuhan naman ng NIA-MARIIS ang publiko na maging mapagmatyag at iwasan muna ang pamamalagi sa Magat River kahit na minimal effect ng pagpapalabas ng tubig sa dam.

Mananatili naman silang nakantabay lalo at wala pang nararanasan na pag-ulan upstream subalit posibleng ang mga Localized thunderstorm ngayong hapon dahil sa pinagsamang epekto ang habagay at bagyong Emong.