--Ads--

CAUAYAN CITY- Siniguro ng Tactical Operations Group 2 (TOG 2) na kayang tumugon ng kanilang hanay sakaling kailanganin ng Office of The Civil Defense o OCD region 2.

Ito ay dahil sa pangamba ng ilan na baka magkaroon ng exhaustion sa kanilang hanay kung sunod sunod na tatawagin ang kanilang hanay para sa disaster response and rescue mission.

Ayon kay Col Aristides Galang Jr. Group Commander ng TOG 2, hindi magkakaroon ng kakulangan sa kanilang hanay o kaya ay pagtigil ng pagpapadala ng mga tauhan.

Isa kasi sa solusyon na gagawin nila ay ang gamitin ang mga reservists nila kung sakaling magkaroon ng sunod sunod na mga operasyon.

--Ads--

Ayon sa group commander, kabilang ito sa preparasyon na kanilang inihanda may kaugnayan sa tulong na ibibigay ng TOG 2.

Sakaling hindi pa rin sapat ang personnel nito at maging reservists, nakahanda rin aniya ang ibang pang tactical operations group para sila ay tulungan.

Ayon sa opisyal, may direktiba na sa kanila na maari silang kumuha ng mga resources sa Clarck Air base kung kailangan ng karagdagang air assets.

Maging sa karagdagng manpower ay nakastandby ang ibang TOG upang umalalay sa mga naapektuhang lugar.

Giit pa ni Col Galang,ngayon at nasa Norte ang mga bagyo, prayoridad ang kanilang hanay na mapadalhan lahat ng uri ng assets na kailangan nito.