CAUAYAN CITY- Siniguro ng City Engineering Office na ligtas pa ring daanan ng mga maliliit o light vehicles ang Sipat Bridge.
Ito ay sa kabila ng unti-unting pagkatibag ng lupa kung nasaan ang concrete piles ng tulay dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Engineer Edward Lorenzo,para maiwasan na mas lumala ang sitwasyon na pagguho ng lupa ay pansamantalang ipagbabawal ito sa mga heavy vehicles.
Pakiusap nito sa mga heavy vehicle driver na kung maari ay sumunod sa direktiba nila dahiol isang paraan kasi ito upang hindi mauga ang tulay na maaring magdulot ng paglala ng sitwasyon.
Samantala,nagpasalamat naman siya sa publiko na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa lagay ng mga struktura sa lungsod.
Ayon sa kaniya, hindi nila kayang ikutan lahat kaya’t malaking bagay ang ginagawa ng publiko sakaling may mapansin sa mga struktura sa lungsod gaya na lamang ng tulay.
sa katunayan ay matagal na nilang plano na magkaroon ng preventive maintenance at reconstruction sa tulay bago mangyari ang pagguho da ilalim nito.
Ayon kay Engr. Lorenzo may katagalan na rin ang tulay at dapat nang magkaroon ng aksiyon ukol dito.
Aniya, ang nakitang pagguho sa tulay ay ang cover ng mga concrete piles at hindi ang mismong haligi nito.











