--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Isabela Anti-Crime Task Force ang pagtatalaga sa mga personnel nito sa mga paaralan.

Ito ay upang matutukan ang kalagayan at kapakanan ng mga kabataan na pumapasok sa eskwelahan.

Ayon kay IACTF Chairman Ysmael Atienza Sr., ang aksiyon na kaniyang ginawa ay tugon para maiwasan ang nangyayaring bullying sa mga paaralan.

Aniya, kasunod ito ng mga natatnaggap ng kaniyang opisina lalo na nitong nakaraang taon na mayroong mga bata na nakakaranas ng bullying.

--Ads--

Giit ng chairman, karagdagang pwersa lamang ang kanilang hanay kung saan maaring magsuplong ang mga bata.

Aniya, batid ng kanilang hanay na may mga guidance councilor ang bawat eskwelahan ngunit minabuti na rin nilang maglagay ng personnel para mas makatulong.

Sa lungsod ng Cauayan, may mga ilang eskwelahan ang nilagyan ng task force para magbantay.

Kabilang dito ang Cauayan North Central School at Cauayan South Central School.

Mayroon ding device ang mga IACTF personnel para macheck ang bag ng mga bata at pumapasok sa bisinadad ng paaralan.

Nanawagan din ito sa mga magulang at estudyante na huwag mahihiyang lumapit sa mga ito kung kailangan nilang tumulong.