--Ads--

Muling nagbukas ng isang spillway radial gate ng Magat dam ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) kaninang alas-11 ng umaga na mayroong isang metrong opening.

Una nang binuksan kahapon, ika-24 ng Hulyo ang isang gate na may 2-meter opening kaya sa kasalukuyan ay dalawang gate na ang nakabukas na may tatlong metrong opening.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Division Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na ang pagbubukas ng karagdagang gate ay dahil sa mas mataas na inflow o ang pumapasok na tubig sa dam kung ikukumpara sa outflow nito.

Sa ngayon ay umabot na kasi sa 892 cubic meters per second ang inflow habang 485.85 cmps lamang ang outlflow.

--Ads--

As of 11am ay nasa 186.76 na ang water elevation ng Magat Dam.

Ayon kay Engr. Ablan, maliit na ang tiyansa na magdagdag pa ang NIA-MARIIS ng bubuksang gate dahil palayo naman na ang bagyong Emong ngunit kung sakali mang may maranasan pa ring pag-ulan sa magat watershed area ay magpapatuloy pa rin sila sa pagpapakawala ng tubig.