CAUAYAN CITY- Posibleng magbawas na ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) ng gate opening sa susunod na araw matapos na bumaba na rin ang water inflow sa Magat water shed dahil sa pagtila na ng mga pag-ulan upstream partikular sa Ifugao at Nueva Vizcaya.
Sa pa nayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ang Division Manager, Dam and reservoir Division ng NIA-MARIIS,sinabi niya na ang kasalukuyang water elevation ay 186.85 meters above sea level na may inflow na 534.02 cubic meters per second at average outflow na 933.56 cubic meters per second.
Batay sa obserbasyon unti-unti ang pagbaba ng tubig sa dam.nanatiling nakabukas ngayon ang dalawang spill way gate na may kabuuang 4 meters gate opening.
Posible namang ngayong hapon hanggang bukas ay magbabawas sila ng opening dahil tumila na ang mga pag-ulan sa Ifugao at Nueva Vizcaya na sakop ng Magat Water Shed.
Puntirya ng NIA-MARIIS ngayon na mapabababa pa sa 184 meter above sea level ang antas ng tubig sa dam para bigyang daan naman ang ulan na dadalhin ng mga localized thunderstorm na madalas maranasan sa magat water shed tuwing hapon o gabi.











