CAUAYAN CITY- Sumampa na sa higit 25,000 na katao ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Bagyong Emong, Dante at habagat.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alvin Ayson ang public infromation officer ng Office of the Civil Deffense (OCD) Region 2, sinabi niya na batay sa kanilang talaan sumampa na 25,718 katao o 7,434 pamilya mula sa 204 Barangay ang apektado ng Bagyong Emong sa buong Lambak ng Cagayan.
Mula sa naturang bilang apat na pamilya o 19 katao ang nasa evacuation center habang apat na pamilya o 12 katao ang kasalukuyang nakikitira sa kanilang mga kaanak.
May mga naitala silang nasirang bahay sa Gonzaga Cagayan kung saan 1 totally damage at lima ang partially damage sa pinagsama-samang epekto ng Bagyong Crising, Emong at Dante.
Dahil sa halos wala ng epekto ngayon ang sama ng panahon sa anumang bahagi ng Region 2 muling nagbalik operasyon ang mga paliparan sa Cauayan at Tuguegarao City.
Sa ngayon may apat na major bridges sa Alfonso Castañeda ang hindi pa rin madaanan habang isang Local Road sa Kayapa Nueva Vizcaya ang hindi din passable.
Sa initial damages naman sa sektor ng agrikultura sumampa ito sa 285,729,019 pesos habang sa Infrastracture ay 75.6 Million pesos.
Matapos ang pananalasa ng bagyo ay agad silang nagsagawa ng clearing operations sa bahagi ng Nueva Vizcaya dahil sa serye ng landslides sa lugar.










