--Ads--

Sugatan ang isang 7-anyos na batang babae matapos makagat ng isang aso sa Calamba, Laguna.

Sa impormasyon, nakita sa CCTV ang bata na naliligo sa ulan sa Barangay San Cristobal habang pauwi ay bigla itong inatake at kinagat ng aso.

Hinabol din ng isang residente ang aso na nagpatigil sa pag-atake at tumakbo palayo.

Isinugod sa ospital ang bata na may sugat sa ulo at leeg.

--Ads--

Ayon sa tiyahin ng biktima, kumawala ang aso ng kanilang kapitbahay.

Nagtamo ng sugat sa ulo at mata ang bata.

Sinagot naman ng may-ari ng aso ang gasto sa pagpapaospital ng biktima.

Source: Bombo Radyo Legazpi