--Ads--

CAUAYAN CITY- Handa na ang buong hanay ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Police Captain Terrence Tomas, tagapagsalita ng IPPO, na nakaposisyon na ang maximum security deployment sa mga tinukoy na areas of convergence o lugar ng pagtitipon, alinsunod sa kanilang binuong security plan.

Amiya,kabilang sa kanilang preparasyon ang pagsu-supervise sa security protocols ng mga lower units, pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa mas maayos na sitwasyon sa trapiko, mahigpit na monitoring sa mga grupong posibleng magsagawa ng rally, bagamat wala pang humihiling ng permit para sa ganitong aktibidad

Dagdag pa niya, nakahanda ang karagdagang puwersa ng PNP para magresponde kung kinakailangan, habang ang deployment ng personnel sa iba’t ibang strategic areas ay inaasahang mamamaximize ngayong araw.

--Ads--