Umabot sa P300,000 ang halaga ng perang nalikom ng Philippine National Police sa mga nabentang ticket sa “Boxing for a Cause” na isinagawa ngayong Linggo.
Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, may P16 million din na halagang natanggap ang ahensiya para sa mga donasyon.
Ilalaan aniya ito sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo at habagat na nagpalubog sa baha sa maraming lugar sa bansa.
Samantala, idinonate naman sa PNP ng boxing legend at dating Senador Manny Pacquiao ang kaniyang isang belt para ipa-auction at maitulong sa mga biktima ang malilikom na pera.
Ayon kay Torre, sinamantala niya ang hamon ni Mayor Baste para makatulong sa mga apektado ng kalamidad.
Idineklarang winner by default si Torre matapos hindi sumipot ang kalabang si Davao City Acting Mayor Baste Duterte.











