--Ads--

Hindi dadalo sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Senadora Imee Marcos at kapwa niyang “Duterte senators” na sina Christopher Go, Ronald Dela Rosa, at Robinhood Padilla.

Ayon kay Marcos, nauna na ang kanyang schedule para maghatid ng nutribun, pagkain, at school supplies sa mga estudyanteng naapektuhan ng Bagyong Crising.

“May mga batang naghihintay ng tulong sa mga paaralan. Matagal na itong nakatakda bago pa ang SONA,” ani Marcos sa isang media briefing.

Nang tanungin kung ano ang nais marinig mula sa Pangulo, sinabi ni Imee: “Tama na ang motherhood statements. Tama na ang walang katapusang datos tungkol sa pag-unlad na hindi naman nararamdaman sa mga karaniwang mamamayan.”

--Ads--

Imungkahi niya ang paggawa ng konkretong “to-do list” para sa susunod na taon na dapat tumuon sa food security, flood control, kalusugan, at edukasyon.

Samantala, si Senador Robinhood Padilla ay nagpahayag na ang kanyang pagliban ay isang simbolikong protesta laban sa pagkakaaresto at pagkakakulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng International Criminal Court.

Samantala, una naring naglabas ng paliwanag si Senator Bong Go sa dahilan sa kaniyang hindi pagdalo.

Batay kay Go nakakaranas siya ng Sever Back spasm na kailangan ipasuri sa Doctor dahil baka lumala ito at makaapekto sa kaniyang trabaho.

Giit niya na bagamat wala siya Batasang Pambansa para personal na pakinggan ang Ulat sa Bayan ng Pangulo ay makikinig siya rito sa pamamagitan ng ibang paraan bilang bahagi ito ng kaniyang mandato bilang isang Senador.