--Ads--

Inilikas na ang ilang Pilipinong Guro sa Border ng Thailand dahil sa nagaganap na kaguluhan doon kontra sa tropa ng Cambodia dahil sa terretorial despute.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marjorie Cruz sinabi niya na one hour travel sila mula sa boarder subalit naririnig parin nila ang paglipad ng mga air assets o helicopter ng Thailand sa boarder.

Sa ngayon ay pinalikas na ang ilang mga nakatira sa boarder dahil na rin sa pangamba na magkaroon ng banta ng airstrike o missile strike.

Sa loob ng labing limang taon nilang nakatira sa Thailand ay hindi na bago ang matagal na girian ng Cambodia at Thailand subalit ito aniya ang pinaka malala.

--Ads--

Bilang guro aniya ay kailangan nilang masiguro na ma evacuate ang lahat ng mga estudyante bago nila tiyakin ang sariling kaligtasan.

Ilan sa mga Pinoy na Guro ay pansamantalang nakikitira ngayon sa kanilang mga kaibigan sa Bangkok.

Sa ngayon nakipag-ugnayan na sa kanila ng Philippine Embassy para sa mga gagawing hakbang subalit wala pang ipinapatupad na repatriation.

Kanselado narin ang pasok sa mga eskwelahan sa mga epektadong paaralan dahil sa kaguluhan.