--Ads--

Nahuli ang isang lalaki sa lungsod ng Cauayan matapos magnakaw ng cellphone sa isang hotel sa District 1, Cauayan City.

Ang suspek ay itinago sa alyas na Makmak, 43-anyos, may-asawa walang trabaho, na naninirahan sa San Fermin Cauayan city; habang ang biktima ay kinilalang si Roel Doloso, 36-anyos, front desk staff sa isang hotel, na residente ng District 1, Cauayan, City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station, napag-alaman na nakatanggap ng emergency call ang tanggapan sa pamamagitan ng 911 call at agad na ipinag alam sakanila ang insidente ng pagnanakaw.

 Batay sa ulat habang naka duty sa trabaho ang biktima ay naiwan umano nito ang kanyang cellphone sa front desk nang siya ay pumunta sa loob ng kanilang opisina.

--Ads--

Nakita naman aniya sa CCTV footage na isang lalaki ang pumasok at kinuha ang Honor Magic 7 android cellphone at agad na umalis papuntang south direction.

Matagumpay na nakilala ang suspek matapos ang ginawang hot pursuit operation ng pulisya at naipagbigay alam sakanila ng isang concerned citizen ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng social media.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa karagdagang imbestigasyon.