--Ads--

Walang naitalang anumang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasan Pambansa kahapon.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo, naging mapayapa sa kabuuan ang SONA ng Pangulo.

Sinabi ni Fajardo na tinatayang nasa 4,000 katao ang nagprotesta sa paligid ng Saint Peter’s Parish sa Commonwealth Avenue kahapon.

Ngunit sa datos ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan, umabot umano sa 10,000 ang mga lumahok sa kilos-protesta.

--Ads--

Matatandaang nagpakalat ang Pambansang Pulisya ng mahigit 16,000 pulis at 7,000 force multipliers sa SONA ng Pangulo kahapon.