Kuntento ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) partikular ang naging pagtalakay nito sa sektor ng Agrikultura.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SINAG Chairman Rosedo So, sinabi niya na kahit papaano ay nakatuon pa rin ang konsentrasyon ng Pangulo sa agrikultura na naglalayong mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa.
Gayunpaman, malaking hamon pa rin ito para sa adminstrasyon dahil mataas pa rin ang mga production costs gaya ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pataba.
Karamihan kasi sa mga farm inputs gaya ng abono ay inaangkat ng Pilipinas sa mga oil producing countries kaya hindi rin ma-kontrol ang presyo nito.
Umaasa naman si So na itataas ng pamahalaan ang taripa ng mga imported na bigas upang mapilitan ang mga local traders na bumili ng palay sa mas mataas na presyo sa mga magsasaka.










