--Ads--

Cauayan City — Naglabas ng panibagong babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes matapos ang magnitude 8.7 na lindol sa baybayin ng Russia, na maaaring magdulot ng tsunami na mas mababa sa isang metro sa mga baybayin ng bansa na nakaharap sa Pacific Ocean.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan ang unang alon ng tsunami mula 1:20 p.m. hanggang 2:40 p.m. ngayong Hulyo 30 at maaaring tumagal ng ilang oras.

Pinapayuhan ang mga residente na umiwas sa baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:

Batanes Group of Islands

--Ads--

Cagayan

Isabela

Aurora

Quezon

Camarines Norte at Sur

Albay

Sorsogon

Catanduanes

Northern at Eastern Samar

Leyte at Southern Leyte

Dinagat Islands

Surigao del Norte at Sur

Davao Region (lahat ng lalawigan)

Pinapayuhan ang mga residente na ang mga bahay ay malapit sa baybayin na lumikas sa mas mataas na lugar. Ang mga may-ari ng bangka sa daungan, ilog, o mababaw na bahagi ng dagat ay pinapayuhang ilayo sa dalampasigan.