--Ads--

Inaasahang muling ilulunsad sa susunod na buwan ang Una Ka Dito Caravan ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City, isang programang naglalapit ng mga libreng serbisyo ng gobyerno sa mga barangay.

Ayon kay Disability Affairs Officer Jonathan Galutera sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, malaking tulong ang Caravan lalo na sa mga Persons with Disability (PWD) na nahihirapang bumiyahe papunta sa City Hall. Marami aniya sa mga PWD ang walang kakayahang mag-commute kaya hindi nakakapagpatala sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Dagdag pa niya, binanggit na ni Mayor Ceasar “Jaycee” Dy Jr. na posibleng magsagawa muli ng Caravan sa Agosto, kung saan inaasahang mamahagi rin ng libreng gamot, wheelchair, at saklay para sa mga PWD.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang pinal na abiso mula sa LGU, ngunit pinaghahandaan na ito ng mga kawani at hinihikayat ang publiko na maging handa sa naturang aktibidad.

--Ads--