--Ads--

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-67 Change of Command at Retirement Ceremony ng Philippine Army (PA) sa Fort Andres Bonifacio, Taguig City ngayong umaga.

Ginawaran ng Presidential Legion of Honor si Lieutenant General Roy M. Galido, bilang pagpupugay sa kanyang di matatawarang serbisyo bilang Commanding General ng Philippine Army (CGPA) mula Agosto 2023.

Bukod sa medalya, tumanggap rin siya ng iba’t ibang plake at parangal para sa kanyang kontribusyon sa modernisasyon at professionalism ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si LtGen. Galido ang kauna-unahang CGPA na nagsilbi ng dalawang magkakasunod na taon sa ilalim ng Republic Act No. 11939, na nag-amyenda sa R.A. No. 11709.

--Ads--

Layunin ng nasabing batas na palakasin ang propesyonalismo at tuluy-tuloy na pagpapatupad ng mga polisiya at modernisasyon sa hanay ng Sandatahang Lakas.