--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinag-aaralan ngayon ng Committee on Health and Sanitation na magkaroon ng probisyon sa ordinansa ng Lunsod na nagsasaad sa monthly bacterial analysis sa mga water samples ng water refilling stations na magkaroon ng time frame na 6 to 8 hours para sa accuracy.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SP Member Paolo Eleazar Delmendo, Chairman ng Committee on Health and Sanitation,sinabi niya na nakarating sa kanila ang ilang impormasyon mula sa ilang water consumers na may mga water refilling station ang nag papa-water test o bacterial analysis sa Pangasinan gayung may sarili namang laboratory ang Cauayan City Water District.

Aniya, nakakapagtaka ito dahil sa parehas lamang din naman aniya ang presyo ng bacterial analysis subalit mas pinipili umano nila ang napakalayong biyahe sa Pangasinan bago makuha ang resulta.

Sa katunayan aniya ay nagbibigay ng 3% discount ang Cauayan Water District sa mga water refilling station owner na residente ng Cauayan.

--Ads--

Giit niya ang accurate result ng bacterial analysis sa tubig ay nangangailangan ng anim hanggang walong oras na maaaring makumpromiso kung ibibiyahe pa ang water samples bago suriin.

Sa ginawang sesyon natukoy na na-enganyo ang mga water refilling station owner na magpasuri sa naturang laboratoryo na mula sa Pangasinan dahil mismong mga tauhan umano nito ang nagiikot at personal na nagpupunta sa mga water refilling station sa Lunsod para mangolekta ng water samples.

Giit nila mas-convinient umano ito para sa kanila dahil sa hindi na kailangan na magpunta pa sila sa Cauayan Water District dahil kung doon magpapasuri ay sila mismo na mga owners ang kukuha ng sample at dadalhin pa doon.

Dagdag pa niya na hindi maisasantabi na isiping nagkakaroon ng pandaraya sa resulta dahil sa hindi tiyak ang accuracy ng lab test dahil sa layo ng biyahe at kung may pagkakamali ay maaari itong magdulot ng mas matinding problema.

Aminado din naman aniya ang mga owners na hindi pa nila nakikita ng personal ang pasilidad o laboratoryo kung saan sinasabing sinusuri ang mga water samples.

Umaasa ang Committee on Health and Sanitation na sa pamamagitan ng naturang probisyon ay hindi na pipiliin pa ng mga water refilling stations owners ang magpasuri sa mas malayong mga laboratoryo.

Maliban dito ay pag-aaralan na rin na sahalip na 3% discount ay personal na lamang na bibisitahin ng mga kawani ng Cauayan City Water District ang mga water refilling station para kumuha ng water samples at magsagwa ng bacterial analysis kada buwan.