--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasabay ng Third Quarter City Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting at Culminate ng National Disaster Resilience Month ay namahagi ng mga rescue boats ang pamahalaang lokal na pamahaalan sa ilang flood prone barangays sa Lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cauayan City Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr., sinabi niya na siyam na barangays ang nakatanggap ng rescue boats sa Cauayan.

Ito anya ay mga flood prone areas sa east tabacal at west tabacal region.

Aniya, ang mga rescue boats ay galing anya sa Department of Science and Technology (DOST) at inaasahang madaragdagan pa ito lalot muli anya silang humingi para sa iba pang barangays sa Lungsod.

--Ads--

Malaking tulong anya ito dahil may magiging kaagapay na ang mga rescuers ng Rescue 922 sa pagtugon sakaling may pagbaha sa lungsod.

Maliban sa bangka ay una na ngang sumailalim sa rescue training at disaster response competition ang ibat-ibang barangays sa lungsod.