CAUAYAN CITY- Kasalukuyang nakadeploy ngayon sa lungsod ng Cauayan ang hanay ng Philippine Army Special Forces upang makatulong sa tuwing may kalamidad.
Bahagi ito ng humanitarian assistance disaster response sa hanay ng special forces kung saan isa sila sa mga tumutulong tuwing kailangang rumesponde.
Ayon kay 1Lt Jeric Labarinto, Special Forces Philippine Army, na ang kanilang deployment ay bahagi ng kanilang direktiba bilang nasa hanay ng HADR.
Aniya, isa kasi ang isabela sa mga minsan ay nakakaranas ng pagbaha sa tuwing may mga kalamidad lalo na ang ilang barangay lungsod ng Cauayan.
Ayon sa opisyal, maaring magtagal ang kanilang deployment nvmg anim hanggang isang taon depende sa magiging desisyon ng mga nasa itaas.
Giit pa niya, pinakaprayoridad ng kanilang hanay ang pagtugon tuwing may kalamidad .
Iginiit din nito na may iba ring Special Forces na nakatutok sa anti-insurgency at iba naman ang kanilang tinutukan .









