--Ads--

Naglabas na ng pahayag ang komediyanteng si Rufa Mae Quinto kasabay ng pagpanaw ng kaniyang mister na si Trevor Magallanes.


Sa isang post sa instagram mababasa ang mensahe ni rufa kalakip sa larawan nilang dalawa.

Lumabas ang balita matapos magbahagi si Rufa Mae ng mga larawan kasama ang yumaong asawa, na agad na umani ng simpatya at pakikiramay mula sa mga tagahanga at kapwa artista.

Maraming personalidad sa showbiz ang nagpahatid ng pakikiramay, kabilang sina Ogie Alcasid, Maxene Magalona, Jaya, Candy Pangilinan, at Alessandra de Rossi.

--Ads--

Nakiramay din ang aktres na si Regine Angeles, “Praying for you in this difficult time. May he rest in peace.”

Maalalang sa isang panayam, inamin noon ni Rufa Mae na mahal pa rin niya si Trevor dahil asawa pa rin niya ito at tatay ng kanyang anak. pero kailangan na raw nilang maghiwalay dahil ayaw na nito sa kanya.