Puntirya ni crochet artist Adelaida Guia na makuha ang record sa “Largest Crochet Mandala.”
Inanunsyo ni Guia na tinanggap ng Guinness World Records ang kanyang aplikasyon para sa naturang titulo.
Tatlong dekada nang gumagawa ng giant mandala si Guia na pinapakita sa Session Road at parke sa Baguio City.
Nagsumite siya nga aplikasyon noong Hunyo.Sa loob ng 67 araw, nakompleto niya ang six-meter diameter mandala na may bigat na 32 kilograms gamit ang 5 mm hook.
Sinimulan noong July 2024 ngunit nahinto noong August 2024 dahil sa kanyang heart attack.
May 2025 nang muling ipinagpatuloy ang pag-crochet sa Rose Garden hanggang matapos noong June 2025.
Natanggap na niya ang kumpirmasyon mula sa Guinness World Records para kompletuhin ang lahat ng requirements at guidelines para tuluyang masungkit ang titulo.











