--Ads--

Aabot sa apat na senador ang nakalagda sa resolusyon na nagpaparekunsidera sa ruling ng Supreme Court na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang mga senador na ito ay sina Senate Minority Leader Tito Sotto III, Senators Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros at Bam Aquino.

Si Pangilinan ang bumalangkas at naghain ng nasabing resolusyon at pinapalagda ito sa mga kasamahang senador.

Sinabi ni Pangilinan na pinag-aaralan pa niya ang resolusyon ng ibang senador na kanyang kinausap tungkol dito.

--Ads--

Iginigiit sa resolusyon ang kapangyarihan ng Kamara na magpa-impeach, ang poder ng Senado na magsagawa ng impeachment trial at maghatol at ang kapangyarihan ng Supreme Court sa judicial review.

Inihahayag din sa resolusyon ang pagpapairal ng fairness principle o ang diwa ng pagiging patas at ang doctrine of operative facts na hindi dapat retroactive ang pagtatakda ng bagong patakaran sa impeachment.