Isang pulis sa Argentina ang nanalo sa kaso laban sa Google matapos siyang makuhanan ng hubad sa sariling bakuran at mailathala ito sa Google Street View noong 2017.
Bagama’t hindi kita ang kanyang mukha, makikita ang address ng kanyang bahay kaya siya ay napahiya at kinutya ng komunidad.
Unang ibinasura ang kanyang reklamo, ngunit sa apela ay kinatigan siya ng mas mataas na korte.
Ayon sa desisyon, nilabag ng Google ang kanyang privacy at sinira ang kanyang dignidad, at hindi sapat ang depensa ng Google na mababa lang ang bakod ng biktima.
Dahil dito, inutusan ng korte ang Google na magbayad ng 16 million Argentine pesos (mahigit 700,000 Philippine pesos) bilang danyos.
Ang desisyong ito ay itinuturing na tagumpay para sa privacy ng indibidwal laban sa malalaking tech companies.











