CAUAYAN CITY- Isang insidente ng pananaksak ang naganap sa Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela partikular sa harap ng barangay hall.
Kinilala ang suspek na si alyas Lando (Arestado), 55-anyos, binata, walang trabaho at ang biktima ay kinilalang si Armando Videz, 57-anyos, may asawa, barangay tanod kapwa residente ng nasabing barangay.
Lumalabas sa Initial Investigation na bago ang insidente, nagpapatrolya ang mga patrol personnel ng Burgos Police Station sa nasabing barangay, pagdating sa harap ng barangay hall, nagkataong nakita ni PEMS Aldine Lopez at PMSg Crisanto Buccahan ang suspek sa aktong pananaksak sa biktima.
Agad silang bumaba sa kanilang patrol vehicle at inawat ang insidente na nagresulta sa pag-aresto sa suspek at kinumpiska sa kanya ang hawak niyang isang screwdriver bilang armas na ginamit sa pananaksak.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang suspek at nagmula ang insidente dahil sa dating alitan.
Agad na isinugod ang Biktima sa Manuel Roxas District Hospital sa Roxas, Isabela ng rumespondeng team ng Burgos Rescue 518 para lapatan ng lunas.
Sinampahan na ng kasong Frustrated Homicide ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Burgos Police Station.










