--Ads--
Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang kaanak ng ilan sa mga nawawalang sabungero para magsampa ng reklamo.
Ayon kay Ryan Bautista, kapatid ng nawawalang si Michael Bautista, reklamong murder at serious illegal detention ang inihahain nila laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Kasama ng mga kaanak ang mga umano’y iba pang saksi kung saan dumating ang mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) bitbit ang makapal na mga dokumento sa paghahain ng reklamo.
Dumating si PNP Chief Director General Nicolas Torre III pero tumanggi siyang magbigay ng anumang pahayag hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
--Ads--










