--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naisagawa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang culminating activity ng Ika-30 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka” isang panawagan para sa mas ligtas at mas maayos na pamayanan sa ilalim ng bagong administrasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Terrence Tomas ang tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, sinabi niya na isinagawa nila bilang bahagi ng PCR month ang CSOP Orientation,Legal Forum,Information Campaign,Drug-Free Workplace Reorientation katuwang ang PDEA Isabela, Bloodletting Activity kasama ang Philippine Red Cross-Isabela Chapter at Road Safety Lecture & Anti-Fake News Drive para sa mas ligtas na lansangan at tamang impormasyon.

Ibinida din ang iba’t ibang best practices kabilang ang Project Kalsada, at iba’t ibang proyekto para sa mga mamamayan kabilang ang KKDAT.

Kasabay nito ay kinilala ang ilang indibiduwal at unit sa ilalim ng IPPO.

--Ads--

Kinilala si PLTCOL Jeffrey D. Raposas bilang Outstanding PCAD Junior PCO

PCMS Jayson Caro bilang Outstanding PCAD Senior PNCO

PCPL Vallery B. Taguinod bilang Outstanding Junior PCAD PNCO

Ms. Joyce Kristine Mye Blas bilang Outstanding NGO (Philippine Red Cross-Isabela Chapter)

Mr. Richard R. Mata bilang Outstanding Private Individual

Ginawaran naman si PCOL Lee Allen B. Bauding bilang Best Senior Police Commissioned Officer for Police Community Affairs and Development sa Camp Crame patunay ng kanyang matatag na pamumuno sa Isabela PPO.

Ang matagumpay na selebrasyon ay sumasalamin sa dedikasyon ng IPPO sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at aktibong partisipasyon ng komunidad sa mga inisyatiba ng pamahalaan.