--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang hanay ng Commission on Elections (Comelec) Region 2 sa pagsisimula ng voter registration ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng Comelec Region 2, sinabi niya na ilang araw bago ang simula ng registration ay nasuri na nila ang lahat ng makinang kakailanganin.

Lahat naman aniya ng kagamitan ay maayos at gumagana kaya inaasahan na walang magiging problema maliban na lamang kapag mayroong unscheduled power interruption.

Ayon kay Atty. Cortez, wala silang target bilang ng mga magpaparehistro dahil bukas naman ang lahat ng Pilipinong nagnanais na magparehistro edad upang makaboto sa susunod na halalan.

--Ads--

Pagdating sa mga voters registrant para sa Sanguniang Kabataan (SK) Elections ay marami ang inaasahan nilang magpapatala dahil lahat ng mga Pilipinong edad 15-17 ay pwedeng magparehistro.

Pagdating naman sa edad 18 pataas ay kakaunti lamang ang inaasahan na magtutungo sa tanggapan ng Comelec lalo na at hindi ina-accommodate ngayon ng ahensya ang transfer of registration record.

Para sa mga magpaparehistro, kinakailangan lamang magdala ng government issued Identification Card (ID).

Paglilinaw nito na hindi tinatanggap ng Comelec ang Police at Barangay Clearance lalo na sa mga edad 18 pataas subalit para sa mga 15-anyos na magpaparehistro ay pwede na ang School ID.

Hinikayat naman ni Atty. Cortez ang publiko na samantalahin ang pagkakataon na makapagpa-rehistro dahil simula ngayong araw, August 1-10 ay araw-araw na bukas ang tanggapan ng Comelec mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Maari namang magsagawa ng satellite registration sa Lalawigan ng Isabela para sa voter registration ngayong buwan ng Agosto.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Manuel Castillo Jr., Provincial Election Supervisor ng Commission on Elections Isabela, sinabi niya halos lahat ng electon offices sa lalawigan at nag-request ng satellite registration hindi lamang sa ilang mga barangay kundi maging sa ilang mga piling paaralan.

Umaasa naman si Atty. Castillo na magiging maayos ang daloy ng registration lalo na at nakapagsagawa na ang mga elections officers ng mga voters information sa kanilang nasasakupan sa tulong ng mga barangay officials.

Wala na aniyang dahilan ang publiko na hindi makapagpa-rehistro lalo na at bukas ang tanggapan ng comelec kahit Sabado o Linggo.

Samantala,dinumog ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) Cauayan City ng mga magpaparehistro sa unang araw ng voter’s registration.

Maaga pa lamang may marami na ang nagtungo sa opisina ng COMELEC upang kumuha ng registration form at magparehistro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Election Assistant II Nikka Daquioag, ng Cauayan City, sinabi niya na inaasahan na nila ang dami ng mga taong unang araw sa unang araw ng pagpaparehistro.

Handa rin ang tanggapan para matugunan ang bilang ng mga magtutungo sa lugar.

Dagdag pa niya, nagkakaroon lang ng pagbagal sa registration dahil minsan ay kailangang iverify ang mga imporamsyon ng mga nagpaparehistro

Bukod pa rito, mayroon din kasing mga nagtutungo sa lugar na dati ng nakarehistro.

Nilinaw din nito na may mga nagtungo za opisina na gustong magpatransfer ngunit hindi pa available sa ngayon ang pagpapatranfer.

Ayon sa opisina tanging, new registration, correction of entry, at reactivation lamang ang pwede sa ngayon.

Ang mga botante naman na galing ibang bansa at dito na sa Pilipinas boboto ay maari na ring asikasuhin ng opisina.