--Ads--
Iginiit ni Bacolod Rep. Albee Benitez na dapat munang mag-leave of absence si Department Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan.
Sinabi ni Benitez na ito ay paraan ng pagpapakita ng delicadeza sa gitna ng mga sablay na flood control projects sa buong bansa sa ilalim ng DPWH.
Diin pa ni Benitez, ang pagliban sa trabaho ni Bonoan ay daan para mapanatili ang integridad ng mga imbestigasyong ikakasa ukol sa mga palpak na proyektong pipigil sana sa pagbaha.
Bukod dito ay hindi rin pabor si Benitez na DPWH mismo ang mag-audit at magreview sa sarili nitong performance kaugnay sa mga naisagawa at hindi pa natatapos na flood control projects simula nang magsimula ang Marcos Jr. administration noong 2022.
--Ads--











