CAUAYAN CITY- Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Lungsod ng Ilagan.
Sa unang Operasyon nadakip sa Barangay Lullutan, si alyas “Jay”, 35 taong gulang, sa ikinasang buy-bust operation.
Narekober mula sa kanya ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) genuine ₱1,000.00 bill na ginamit bilang buy-bust money at android cellphone.
Sa ikalawang Operasyon nadakip naman si si alyas “Ardo”, 24 taong gulang sa Purok 4, Barangay Alibagu.
Nasamsam mula sa kanya ang dalawang transparent ziplock na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana isang (1) genuine ₱500.00 bill na ginamit sa operasyon at android cellphone
Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Ilagan City Component Police Station (CCPS) at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










