--Ads--

Isang nakalulungkot na insidente ang naganap sa Shuntog Street, Baguio City matapos matagpuan ang isang lalaki na wala nang buhay sa loob ng minamaneho niyang taxi.

Ayon sa impormasyong mula sa mga awtoridad, isang security guard ang nakadiskubre sa insidente.

Napansin umano ng guwardiya na matagal nang nakaparada ang taxi kaya nilapitan niya ito at kumatok sa bintana, ngunit walang naging tugon mula sa loob.

Dahil sa pag-aalala, agad siyang humingi ng tulong mula sa Baguio City Emergency Medical Service at Baguio City Police Office.

--Ads--

Makikita sa larawan na kalakip ng ulat ng media na ang taxi ay nakaparada sa gilid ng basang kalsada malapit sa city hall.

Pagdating ng mga rumespondeng awtoridad, binuksan nila ang pinto ng sasakyan at natagpuan ang drayber na walang malay. Nang suriin siya, natuklasang wala na siyang buhay.

Batay sa pinakahuling ulat ng BCPO, namatay ang biktima dahil sa “natural death” Hiling ng kanyang pamilya na huwag nang isapubliko ang kanyang pagkakakilanlan.