--Ads--

Ilang miyembro ng National Transport Coalition o NPTC ang nagrereklamo na dahil sa malakihang dagdag sa presyo ng petrolyo na epektibo bukas araw ng martes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim, sinabi niya na mas mataas na ang diesel ngayon kumpara sa gasolina.

Aniya patuloy silang nakakatanggap ng reklamo at pagkilos dahil sa mga umento o pagsirit sa presyo ng petrolyo.

Hanggang sa ngayon naninindigan sila sa panawagan sa DOF at DOE na pag-aralan na ang pagpapaliban sa excise tax sa langis dahil sa lumalaki na ang problema sa patuloy na paggalaw sa presyo.

--Ads--

Batay sa DOE ang umento sa presyo ay dahil sa mababang demand ng krudo sa OPEC.