--Ads--

Dead on the spot ang isang lalaki matapos na magulungan ng isang truck na may kargang 52 tons ng semento  sa Villaros, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay residente ng Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya habang ang driver ng truck, ay edad 54 na residente ng Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Ayon sa imbestigasyon ng Bagabag PNP patungong hilagang direksyon ang motor at trailer trak nang maganap ang insidente. Posible umanong nag-overtake ang biktima sa trak nang magulungan ito.

Inihayag ni PMaj. Oscar Abrogena ang hepe ng Bagabag Police Station na nagkalasug-lasog ang katawan ng biktima na nakaladkad pa ng ilang metro.

--Ads--

Aniya dahil sa bahagyang palusong ang kalsada at mabigat ang karga ng truck ay hindi ito agad na nakahinto o nakapagpreno.

Sa ngayon inimbestigahan na nila kung may iba pang sasakyan na nakasagi sa motor ng biktima habang nag-oovertake ito sa trailer truck tulad ng sinasabi ng driver ng truck at ilang saksi.  

Ayon sa pulisya nagsagawa sila ng checkpoint at walang tumugma sa diskripsyon ng mga saksi sa insidente.

Muling nanawagan ang PNP sa mga motorista na ugaliing suriin ang sasakyan bago bumiyahe, iwasan ang pagsabay sa mga malalaking truck.