--Ads--

Kinilala ni Mayor Caesar Jaycee Jr ang naging pagtugon ng Cauayan City Rescue 922 at Team Caesar nang mangailangan ng tulong ang Alaminos City, Pangasinan noong kasagsagan ng Bagyong Emong

Matatandaan na isa ang lalawigan ng Pangasinan sa naapektuhan ng pagbaha noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo kaya humingi ng tulong ang Alaminos City na itinuturing na sister city ng lungsod ng Cauayan

Ayon sa ama ng lungsod na si Mayor Caesar Jaycee Dy Jr, ang ginawa ng mga rescuer ng lungsod ay tunay na kahukugan ng public service

Aniya, hindi nagdalawang isip ang mga ito na magtungo sa ibang probinsya upang matulungan ang mga napektuhan ng bagyo

--Ads--

Giit pa ng punong ehekutibo, natutuwa siya sa ipinakitang dedikasyon ng Team Caesars at Rescue 922 na kahit hindi na saklaw ng kanilang area of responsibility ay nagtungo pa rin ang mga ito sa nasabing lugar

Aniya, hindi biro ang lakas ng loob na ipinamalas ng mga ito lalo na sa pagtulong sa kapwa sa panahon ng kalamidad

Ang Rescue 922 ng lungsod ng Cauayan ay kabilang sa mga Siyudad sa Rehiyon Dos na may mga modernong kagamitan na nakakatulong tuwing may kalamidad at Rescue mission

Isa na rito ang Mobile Command Vehicle na kahit saan man dalhin ng mga rescuer ay awtomatikong nagkakaroon sila ng Command Center sa isnag partikular na lugar