--Ads--

Pormal nang nagsimula ang week-long celebration ng Lungsod ng Ilagan para sa ika-13 Cityhood anniversary nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Paul Bacungan ng City of Ilagan, sinabi niya na simula ngayong Martes hanggang sa araw ng Huwebes ay magkakaroon ng Skills and livelihood training and Manpower training skills para sa mga Ilagueño katuwang ang TESDA.

Isasagawa rin ngayong araw hanggang bukas ang Barista Skills Training sa barangay Osmeña habang sa Huwebes at Biyernes naman ay mayroon ding Skills Training para sa mga Ilaw Members ng Northeastern kung saan ituturo ang paggawa ng noodles gamit ang pangunahing sangkap na Cassva Flour at Yellow Corn Flour.

Highlights ng naturang pagdiriwang ang Motor Drag Race sa Malalam-Alibagu Bypass Road na gaganapin sa ika-9 ng Agosto. Sa parehong araw ay magpapasiklaban naman ang 19 na naggagandahang kandidata para sa Coronation Night ng Binibining Ilagan.

--Ads--

Maliban dito ay magsasagawa rin ang PESO ng job fair sa Northstar Mall.

Sa araw naman ng Sabado ay magpapaligsahan ang 15 schools sa Cheerdance Competition na gaganapin sa The Capital Arena habang sa gabi ay gaganapin ang basketball game na inaasahang lalahukan ng iba’t ibang basketball enthusiast.

Mapapamahagian din ng libreng abono para sa mga magsasaka at nets para sa mga mangigisda.

Bibigyang pagkilala rin ang mga Outstanding Ilagueños maging ang mga top taxpayers ng Lungsod.

Magtatapos naman ang week-long celebration sa isang grand concert na bukas para sa mga gustong makisaya.