--Ads--

AAbangan ng taumbayan ang gagawing botohan ng Senado sa kanilang desisyon kaugnay sa pagdeklara ng Supreme Court sa articles of impeachment ni VP Sara Duterte bilang unconstitutional.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, sinabi niya na malinaw naman ang unang desisyon na immediate executory na maaaring nabasa na rin ng magkabilang partido, subalit sa usapin ang impeachment case ang magdedesisyon ay ang senate bilang impeachment court at hindi ang Supreme Court.

Dahil dito ay muling paguusapan ang ruling ng korte suprema na nagbabasura sa inihain na impeachment case ng kamara laban sa VP Sara Duterte, kasabay nito ay maglalabas na rin ng pasya ang Senado ukol dito.

Giit niya na kontrobersiyal ang desisyon ng Korte Suprema kaya mabuti ang naging hakbang ng ilang mamabas sa lower house na agad naghain ng motion for reconsideration habang may ibang mga abogado na pinapanigan ang desisyon ng korte.

--Ads--

Hindi dapat matakot ang taumbayan sa sinasabing constitutional crisis dahil sa hindi naman ito mauuwi sa rebolusyon at mananatili parin namang functional ang Pamahalaan.

Aniya nauunawaan nila kung bakit maraming mga puna sa proseso ng impeachment dahil sa ginawa ng SC na pagdadagdag ng mga requirements na nagpapahirap sa pag-uusig sa mga opisyal ng gobyerno na nagkakasala.

May karapatan naman aniya ang mga abogado na nagpapahayag ngayon ng kanilang mga saloobin ang ilang mga personalidad bilang pagtuligsa sa pasya ng SC basta hindi ito contemptuous.