Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nananatiling epektibo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang pangunahing hakbang sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay 4Ps Program Director Gemma Gabuya, walang dahilan para buwagin ang programa dahil ito ay bahagi ng pambansang estratehiya para sa pagbabawas ng kahirapan. Aniya, malaking tulong ang pondo mula sa 4Ps sa pagsisimula ng kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Kasabay nito, inihayag din ang mungkahi ni dating DSWD Secretary at kasalukuyang Senador Erwin Tulfo na palitan ang 4Ps conditional cash transfer program ng isang lump sum livelihood fund. Giit niya, mas nais umano ng maraming benepisyaryo ang kapital para sa negosyo kaysa sa buwanang cash assistance.











