Mariing pinuna ni Rep. Leila de Lima, isang Mamamayang Liberal Representative at miyembro ng prosecution panel ng House, ang pagtukoy ni Sen. Rodante Marcoleta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte bilang “hilaw na sinaing.”
Ayon kay Marcoleta, dapat itong i-dismiss sa Senado dahil umano sa procedural lapses ng Kamara sa paghahain batay sa desisyon ng Korte Suprema na idineklarang unconstitutional ang reklamo dahil sa paglabag sa one-year rule at kakulangan sa due process.
Subalit, hindi tinanggap ni De Lima ang pagtuligsa ni Marcoleta. Iginiit niya na ang Kamara de Representantes ay nagsagawa ng tamang proseso at maayos na pagbobyoso ng impeachment complaint noong Pebrero 5, 2025, kung saan sinuportahan ito ng 215 na mambabatas.
Bilang bahagi ng prosecution panel, iginiit niya na may sapat na legal at konstitusyunal na basehan ang reklamo at hindi ito dapat basta-basta balewalain.
Dagdag pa niya, nararapat bigyang-daan ang opinyon ng publiko at tamang representasyon ng proseso sa Senado, lalo’t ito ay usaping may malalim na implikasyong pampolitika at legal.











