--Ads--

Tila itinapon ng mga Senador ang parliamentary courtesy sa ginawa nilang pag-archieve sa articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa ang dating Pangulo ng IBP, sinabi niya kahit na naghain ng Motion for Reconsideration ang house of representatives kaugnay sa pasya ng Supreme Court sa articles of impeachment ni VP Sara ay tila ba binalewala na ito ng senado.

Mas naging maganda sana kung hinintay na lamang muna ng Senado ang pinal na desisyon ng Supreme court bago nagsagawa ng botohan sa halip na gawing ground ang “Immediate executory” na pasya ng korte at tuluyang inarchive ang impeachment.

Malaking tanong anya sa ginawang pag-archive ng Senado sa impeachment case kung sakaling magbago ng pasya ang korte suprema ay posibleng malabag na rito ang one year ban rule dahil isa anya sa posibleng pakahulugan ng pag-archieve ay dismissal.

--Ads--

Ayon sa nasabing constitutional law expert, kaabang-abang sa ngayon kung ano ang magiging pasya ng korte suprema sa motion for reconsideration ng kamara