--Ads--

Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber na i-disqualify si Prosecutor Karim Khan sa nasabing kaso.

Base sa kanilang inihain na petisyon, iginiit nilang mayroong conflict of interest si Khan kaya’t nararapat lamang na siya ay tanggalin sa paghawak ng imbestigasyon.

Ayon kay Nicholas Kaufman, abogado ni dating Pangulong Duterte, si Khan ay tumayong private lawyer for hire noong 2018 at kumatawan sa mga umano’y biktima ng extrajudicial killings sa Pilipinas.

Dahil dito, posibleng kuwestyunin ang integridad ng mga ebidensyang ilalabas ni Khan sa imbestigasyon.

--Ads--

Una nang ipinahayag ng Appeals Chamber na wala silang nakitang anumang indikasyon ng kawalan ng pagiging patas (impartiality) sa panig ng Prosecutor.

Matatandaang si Khan ay pansamantalang nag-leave noong Mayo habang iniimbestigahan ng United Nations Office of Internal Oversight Services kaugnay ng umano’y alegasyon ng sexual misconduct.