--Ads--

Kinokonsidera ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga house helper at janitor na ibilang sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

Ito ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao ay bahagi ng enhancement na gagawin ng DSWD sa 4Ps na may 17 taon na ang implementasyon.

Aniya, kailangan lamang na sila ay nasa below threshold o sumasahod nang hanggang P8,000 kada buwan at may maliliit na anak o nasa zero age hanggang 18 years old na pinag-aaral.

Binigyang diin ni Dumlao na bukas ang DSWD sa anumang enhancement sa implementasyon ng 4Ps tulad ng suhestyon ni dating DSWD secretary at Senador Erwin Tulfo na nagsabing gawing one time bigtime livelihood grants ang ibigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps kaysa Conditional Cash Grants.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay patuloy ang pag-uusap ng Senado at Kongreso para sa posibleng amendments sa programa alinsunod sa batas sa 4Ps.

Sinabi ni Gemma Gabuya, National Program director ng 4Ps, nasa 3 milyon ang benepisyaryo ng programa as of July 2025 habang nasa 1.4M na ang naka-graduate o nag-exit na sa programa matapos madetermina ng mga social workers na self-sufficient na ang mga ito o may kakayahan nang buhayin ang pamilya.