Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang Tropical Depression “Fabian” sa layong 185km kanluran ng Batac, Ilocos Norte (18.1°N, 118.8°E)
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 55 km/h.
Kumikilos pa-northwest sa bilis na 10 km/h
Sa ngayon ay hindi inaasahang direktang makakaapekto si Fabian sa lagay ng panahon sa bansa subalit magdudulot ng katamtamang pag-alon (1.0–2.0 m) sa baybayin ng Northern Luzon.
Paalala sa mga mangingisda at may maliliit na bangka mag-ingat sa paglalayag, lalo na kung kulang sa kagamitan o karanasan.
Posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o bukas ng madaling araw.
Inaasahang hihina ito at magiging remnant low paglabas ng PAR.











