Tiniyak ng Santiago City Police Office o SCPO na nakasusunod sila sa direktiba ng chief pnp hinggil sa 5 minutes response time at BMI monitoring sa kanilang mga uniformmed personnel.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtcol. Saturnino Soriano, Chief ng City Community Affairs Development Unit o CCADU ng SCPO, sinabi niya na sa pamamagitan ng radio ay agad na nakakaresponde ang kanilang personnel lalo na at ipinapatupad ang 90% na mga pulis na nasa field habang 10% lamang ang mga base personnel o nasa opisina.
Binigyang-diin ni PLtCol. Soriano na layon ng direktiba ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre na gawing mas propesyonal ang organisasyon.
Taun-taon naman aniya ay nagdadaos sila ng physical fitness test o PFT, pero sa pagkakataong ito, ang nais ng chief PNP ay ang totoong PFT AT hindi lang yung sa papel pumapasa ang mga pulis.
Ayon sa kanya, ang hakbang na ito ay magtitiyak na ang mga miyembro ng pulisya ay tunay na handa at nasa maayos na kondisyon para gampanan ang kanilang tungkulin.
Batay sa kanilang monitoring, marami silang personnel na napabayaan ang kanilang pangangatawan kaya tinututukan ng kanilang Human Resource and Doctrine Devolopment ang kanilang BMI at mapababa ang kanilang timbang.
Tiniyak naman niya na pipilitin nilang ma-meet ang requirement at makapasa ang lahat ng kanilang personnel sa Physical Fitness Test.











