--Ads--

Nakabalik na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matapos ang limang araw na state visit niya sa India.

Eksakto alas-8:06 kagabi nang lumapag ang sinasakyang eroplano ng Pangulo sa Villamor Air Base Pasay City.

Sa kaniyang arrival statement, ipinagmalaki ng Pangulo na umabot sa 446 milion dollars ang direktang pamumuhunang nakuha ng Pilipinas mula sa 18 business agreement.

Habang nasa 5.798 billion dollars pa ang potensyal na interes sa pamumuhunan sa digital infrastructure, renewable energy, healthcare, manufacturing, at IT-BPM.

--Ads--

Kasama rin sa mga kasunduang nilagdaan ang kooperasyon sa hudikatura, space, science and technology, depensa at seguridad, kultura, at turismo.

Kabilang din dito ang libreng e-visa para sa mga turistang Pilipino na inanunsyo ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Tinatayang lilikha ang mga kasunduang ito ng mahigit 7,000 trabaho, pati ang malawakang digital upskilling para sa higit 26,000 Pilipino sa AI, digital technologies, at cybersecurity hanggang 2026.

Binigyang-diin ng Pangulo na bilang strategic partners, sabay na isusulong ng Pilipinas at India ang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa mas malawak na Indo-Pacific region.