--Ads--

CAUAYAN CITY- Bumuo ang Land Transportation Office Cauayan District ng Law Enforcement Unit alinsunod sa direktiba ng LTO Region 2 na gumawa ng team may kaugnayan dito.

Layon nitong magkaroon ng grupo na mag oobserba sa batas trapiko sa lansangan.

Ayon kay LTO Cauayan District Head Deo Salud, ang grupo ang pangunahing magsasagawa ng operasyon sa kalsada.

Tatawagin itong District Extensions Law Enforcement Team o Delete na may mandatong magpatupad ng Rules, Laws and Regulation na may kaugnayan sa batas lansangan.

--Ads--

Bagaman wala pang schedule kung kailan magiging aktibo ang naturang grupo, tiniyak ng hepe na mas magiging epektibo ito lalo na sa pagpapatupad ng batas trapiko.