--Ads--

CAUAYAN CITY- Pormal na idineklara ang 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (1st IPMFC) bilang Drug-Free Workplace, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga .

Pinangunahan ni Pmaj. Francis Pattad, acting Force Commander ang unveiling ceremony, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamumuno ni IA V Ma Editha R. Bunagan, Provincial Officer.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng drug-free workplace upang masiguro ang mataas na antas ng integridad, propesyonalismo, at kahandaan ng bawat kasapi ng Unit.

Bahagi ng programa ang panunumpa ng lahat ng tauhan ng 1st IPMFC sa kanilang patuloy na pagtutol sa anumang uri ng paggamit at pagtangkilik sa ipinagbabawal na gamot.

--Ads--

Ipinakita rin ang mga hakbang at mekanismo upang mapanatili ang drug-free status, kabilang ang regular na inspeksyon, drug testing, at mas pinaigting na kampanya sa impormasyon.

Ang proklamasyon ng Drug-Free Workplace Status ay isang mahalagang hakbang upang palakasin ang moral, kapabilidad, at kredibilidad ng buong yunit sa pagtupad sa kanilang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Isabela.