--Ads--

CAUAYAN CITY- Labis ang pasasalamat ng Isabela National High School matapos muling maiuwi ang kampeonato sa katatapos na JLD Cheerdance Competition.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jose Doria Jr. Head Teacher V ng Isabela National High School MAPEH Department, sinabi niya na ibinuhos nila ang lahat ng kanilang makakaya sa pagsalang sa patimpalak sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda.

Aniya, malaking salik sa kanilang pagkapanalo ang konsepto ng kanilang performance sa hangarin ng City Government ng Ilagan na maging liveable City pagsapit ng taong 2030.

Ang kanilang tagumpay ay bunga ng collaborative effort ng kanilang mga stakeholders na nagbigay suporta sa iba’t ibang aspeto pangunahin na sa usaping pinansiyal.

--Ads--

Samantala, dahil sa kinakailangan ng mahabang oras sa paghahanda para sa kompetisyon at hindi maiwasan na masagasaan ang oras ng pag-aaral ng mga kalahok ay gumawa sila ng memorandum of agreement sa pamunuan ng paaralan upang matiyak na makahabol ang mga ito sa kanilang mga aralin.