--Ads--

CAUAYAN CITY- Anim na barangay na lamang sa buong Lunsod ang binabantayan kaugnay sa operasyon sa iligal na droga batay sa datos ng City Community Affairs and Developemtn Unit ng Santiago City Police Office (SCPO).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt.Col. Saturnino Soriano,PCADU Chief ng SCPO, sinabi niya na anim na barangay na lamang ang kailangan na maideklarang drug cleared para tuluyang maideklara bilang drug cleared City ang Santiago.

Aniya, sa ngayon tuloy-tuloy ang operasyon at monitoring sa mga drug affected Barangay upang tuluyan ng masugpo ang mga drug personality na kanilang sinusubaybayan.

Nakikipag ugnayan din sila sa mga Barangay Officials ng anim na barangay upang magkaroon din ng monitoring sa mga ambulant residents sa lugar.

--Ads--

Tiniyak ng SCPO na hindi sila titigil sa monitoring sa mga drug cleared barangay para mapanatili ang kaayusan.

Karaniwan sa mga nahuhuli nila ngayon na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ay mga dayo at doon lamang sa Lunsdo ibinebenta ang mga iligal na kontrabando.