--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi papayag ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na magkaroon ng anumalya sa procurement ng palay ang NFA Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Vice Governor Kiko Dy ng Isabela, sinabi niya na bagaman wala pang napapatunayan sa mga alegasyong ipuinupukol sa NFA ay mainam pa rin na imbestigahan ito upang maibalik ang tiwala ng publiko sa ahensya.

Malaking tulong aniya ang naganap na pagdinig sa pamumuno ng Committee on Agriculture dahil hindi lamang napag-usapan ang mga iregularidad sa NFA kundi narinig din ang suhestiyon ng mga stakeholders upang mapaganda ang kanilang serbisyo.

Tiniyak naman ng Bise Gobernador na anuman ang maging resulta ng pagsisiyasat ay mananatili pa ring lamang ang mga magsasaka dahil sisiguruhin nila na mabibigyan ang mga ito ng sapat na proteksyon.

--Ads--